DAMAYAN-BULUSEÑO GAZETTE ONLINE EDITION

This page is originally located at the following URL:

http://dbgazette.tripod.com/printables/vol16no2_page3_letters.html


MAILBOX

To all DBI Staffs,

 

In behalf of my family, I would like to extend my sincerest gratitude to all the staffs and officers of Damayan-Buluseño, Inc.  It was in the year 2000 when I graduated in high school from the Jose S. Reyes Memorial Institute.  I had no plan of pursuing my studies then, because of financial constraints – until the great opportunity knocked on my door.

I was one of the lucky students who were granted with the scholarship, which is one of your programs, through the sponsorship of Mr. Alejo Dy.  Without this association, it would have been less possible for me to finish my degree course.

To all the people behind the Damayan-Buluseño, Inc. and to my kind and supportive sponsor, much word could not express my greatest thanks.

More power and May God bless you all!

 

                                                                                                                                Sincerely Yours,

                                                                                                                (Sgd.)      Celeste Freo

                                                                                                                                DBI Scholar

                                                                               

 --------------------------

THE EDITOR

Damayan-Buluseño Gazette

 

 

Dear Editor,

 

Through this Gazette, I would like to extend my deepest gratitude to Damayan Buluseño President Mr. Rogelio “Elio” Fuentes for his boldness in writing against the dirty politics and the abuses by the New People’s Army (NPA) and the latter’s Postes which I read in the Damayan- Buluseño Gazette (Sept-Oct & Nov-Dec 2003 issues). I agree, these two are the major obstacles why Bulusan has not been able to liberate from the quagmire of poverty.

 

Bilang isang Buluseño, nakakalungkot pong isipin na ang mga kalulad namin na lumaki at nag-aral sa Bulusan at nagsikap makatapos ng magandang kurso sa ibang lugar, makapaghanap ng magandang trabaho at nang sa gayun ay dumating ang araw na makabalik sa Bulusan para makatulong kahit papaano para sa ikauunlad nito, ay nawawalan ng gana dahil nga sa ganitong mga nangyayari sa bayang aming minahal at gustong lingunin muli.

 

Marami ang nagsasabi na ang mga NPA ay namumugad sa ating bayan at patuloy na kinukuhanan ang halos lahat na negosyante, kahit maliliit na tindahan at pati mga ordinaryong empleyado. Ang kamag-anak ko po ay kinukuhanan sa pamamagitan ng Poste ng mahigit kumulang sa P1,000.00 bawat ani ng mga niyog. Ang kaklase ko noong high school na may maliit na tindahan ngayon ay hindi lamang pera ang hinihingi kundi mga paninda katulad ng bigas, siragilyo, de lata, at iba pa. Ang mga NPA na ito na sinasabi nilang sila ang makikipaglaban ng karapatan ng masa at magtatanggol nito sa mga mapang-api ay sya namang lalong nagpapahirap sa mga tao sa pamamagitan nitong sinasabi nilang revolutionary tax na kung tutuusin ay tahasang pangingikil o extortion. Ang ginagawa ng mga NPA at mga Poste nito ay walang ibang kahulugan kundi ginagawa nilang hanapbuhay ang panghihingi na may kasamang pananakot sa kadahilang sila ay tamad maghanapbuhay na marangal.

 

Sa kabilang dako naman, ang iba nating inihalal na pulitiko na dapat gumawa at magpatupad ng mga batas para sa ikauunlad ng ating bayan ang sila namang nagpapasimuno ng mga illegal na mga aktibidades o hindi kaya’y nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa mga masasamang nagyayari sa ating bayan.  Totoo kaya yung mga sinasabi na ang karamihan sa mga empleyado sa munisipyo ay takot magsalita o makipagmatigasan sa nakatataas sa kanila kahit na ang pinapagawa sa empleyado ay mali, kasi puwede ang empleyadong ito ay itapon sa ibang lugar or di kaya’y ilagay sa “floating status”? Marami ang “disgusted” at galit na mga empleyado pero nananatili silang tahimik kaysa maapektuhan ang kanilang trabaho. Ito ay “torture” kung tutuusin at pagsupil ng karapatan ng isang tao.  Kawawa naman ang mga taga-Bulusan kung ang mga uupo sa kani-kanilang mga puwesto ay mapagsamantala at walang hangad kundi ang luho ng kanilang mga sarili. 

 

Nagpapasalamat po talaga ako sa napakadetalye na pagtalakay ni Mr. Elio Fuentes ng mga problemang nagpapabigat sa Bulusan. Sana marami ang nagising sa katotohanan na ang ating bayan ay pugad na ng mga buwitreng pulitiko at mga lintang NPA/Poste na silang nagiging hadlang para hindi maiangat ang ating turismo na siya sanang makakatulong nang malaki para maiahon kahit kaunti ang ating bayan at hindi manatiling matatawag na “sleepy town.”

 

Maraming salamat po sa paglalathala ninyo nito at maraming salamat po ulit kay Mr. Fuentes sa kanyang katapatan, katapangan at pagmamalasakit sa kanyang lupang tinubuan.  Mabuhay po siya at mabuhay tayong lahat na nagmamahal sa bayan ng Bulusan!

 

 

ROSIE GAMOS

Daraga, Albay

(private e-mail dated 6 April 2004)

 --------------------------

Congratulations & Mabuhay!

from FRIENDS & ADMIRERS of DAMAYAN-BULUSEÑO GAZETTE

For its bold denunciations of too much vote-buying by candidates and their leaders that has greatly eroded the morale of our people, the rampant illegal logging in our already denuded forests unmolested by our authorities, and the abuses of the lazy postes & those who profess to be protectors of the oppressed.

CARRY ON, WE ARE BEHIND YOU!

Vol. XVI No.2 (March  - April 2004)

Copyright © 2003 - 2004 Damayan-Buluseño Gazette Online Edition  |  All Rights Reserved